Isinisi ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa mga nabalam na proyekto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nangyaring malawakang power outage sa Panay Island.
Sabi ni Reyes, sa halip na iprayoridad ang upgrading ng ating sistema ay mas inatupag umano ng NGCP ang pamumudmod ng ang nalalakihang dibidendo at maluhong selebrasyon para sa mga shareholders at directors nito.
Naniniwala si Reyes na nahadlangan sana ang nangyaring power outage kung natapos sa tamang panahon ang Panay-Negros-Cebu Interconnection Project ng NGCP na anim na beses nang naatras mula sa orihinal na target date na December 2020.
Diin ni Reyes, malinaw na malinaw kung sino ang may kasalanan at pagkukulang sa pagkakataong ito na dapat ay tiyaking mapapanagot dahil malaki ang naging perwisyon nito sa buhay ng mamamayan at sa ekonomiya.