Mga nabawing asset ng Marcos, pinapaimbentaryo ni Senator Escudero

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Francis Chiz Escudero na dapat munang magsagawa ng imbentaryo sa mga na-sequester o nabawing assets ng presidential Commission on Good Government o PCGG mula sa mga Marcos simula noong 1986.

Ang mungkahi ni Senator Escudero ay sa harap ng panukalang pagbuwag sa PCGG dahil hindi na daw kailangan ang pananatili nito.

Inihalimbawa ni Escudero sa mga nabawing asset ng mga Marcos ang mga painting, mamahaling alahas, gusali, at mga shares of stocks na pawang bumagsak na ang halaga dahil sa pinabayaan lang.


Nakalukungkot para kay Escudero kung ang mga nabawing nakaw na yaman umano ay ninakaw lang ulit ng ilang mga tiwaling nanungkulan sa PCGG.

Ikinatwiran ni Escudero na kung basta na lang aniya bubuwagin ang PCGG, ay hindi na makikita ang mga ginawang kalokohan ng ilang mga namuno sa nabanggit na tanggapan.

Facebook Comments