Tinatayang nasa 1,000 immunocompromised individuals pa lamang ang nabibigyan ng 4th dose o 2nd booster shot.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 (NVOC) Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na medyo kaunti pa lamang ang natuturukan ng 4th dose dahil karamihan sa mga immunocompromised individuals ay January o February lamang nakakuha ng 3rd booster shot.
Sa naunang abiso ng NVOC, kinakailangang apat na buwan ang pagitan mula nang maturukan sila ng 1st booster shot.
Sa ngayon, tanging immunocompromised individuals pa lamang ang binigyan ng go signal na mabigyan ng 2nd booster shot at pinag-aaralan pa ng mga eksperto kung kailangan na rin bang bigyan ng 4th dose ang medical health workers, senior citizens at persons with comorbidities.