Walang nakaranas ng adverse effect sa mga healthcare workers sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na nabakunahan ng booster shots kahapon.
Ayon kay Dr. Rose Marie Liquette, Executive Director ng NKTI, mga bakuna ng Pfizer ang ibinigay na booster shots sa mga medical frontliners.
Mahigit 2,000 frontliners ng NKTI ang target bigyan ng booster shots hanggang sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, sisikapin ng goyerno na mabigyan ng booster shots ang 1.7 milyong healthcare workers sa bansa sa loob ng dalawang linggo.
Kabilang sa mga bakunang aprubado bilang booster vaccine sa priority group A1 o essential healthcare workers ay Pfizer-BioNTech, Moderna, Sinovac at AstraZeneca.
Facebook Comments