Mga nabigyan ng cash subsidy sa ilalim ng SAP sa Quezon City, halos 50% na

Nasa 50% na ang naipamahagi ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umabot na sa 145,187 na pamilya ang nakatanggap na ng ₱8,000 cash assistance

Ito ay mula sa 377, 854 na SAP beneficiaries na target na mabigyan ng tulong pinansyal.


Nakapag-distribute na ng mahigit 245,688 na Social Amelioration forms sa QC.

Ngayong araw, may 22 barangays ang mamimigay ng cash assistance sa mga kuwalipikadong residente.

Facebook Comments