MGA NABIGYAN NG SAFETY SEAL SA REGION 1, UMABOT NA SA 147

Umabot na sa 147 ang naaprubahan ng Department of Trade and Industry na aplikasyon ng mga business establishment sa Ilocos Region upang mabigyan ng safety seal.

Sa datos ng DTI, 213 ang natanggap na aplikasyon ng DTI at 40 dito ang sumasailalim ngayon sa inspeksyon.

Ilan sa mga establisyimentong naaprubahan ay mula sa construction supply, groceries, supermarkets, logistics services, service and repair shops, barbershops at convenience stores.


Ayon sa pamahalaan, mahalaga ang pagkakaroon ng safety seal upang matiyak na maipatutupad ang minimum public health standards sa mga establisyimento sa panahon ng pandemya. ###

Facebook Comments