Mga nabinbing proyekto, maitutuloy na matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang 2019 Budget

53

Napanatag na si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian matapos lagdaan ni Pangulong rodrigo Duterte ang 2019 National Budget.

Ayon kay Gatchalian, hindi na magaganap ang pinangangambahang negatibong epekto sa ekononomiya ng reenacted budget.

Nakakasiguro si Gatchalian, na maipagpapatuloy na ngayon ng pamahalaan ang pagsasakatuparan sa mga nabinbing proyekto dulot ng naging problema sa 2019 budget.

Kaugnay nito ay pinuri ni Gatchalian ang pagveto ni Pangulong Duterte sa mga pagbabago na ginawa ng kamara sa ratified version ng General Appropriations Bill.

Diin ni Gatchalian, ang ginawang pagveto ng Pangulo ay patunay na tama ang paninindigan ng Senado na labag sa konstitusyon ang mga realignments na inihabol sa 2019 budget.

Facebook Comments

From Advertisers