Mga nag-aambisyong maitalagang barangay captain, pinag-iingat ng DILG

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Interior and Local Government sa mga nag-aambisyong maitalagang barangay captain.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epi Densing, mayroong grupong nanghihingi ng pera sa mga gustong maitalagang kapitan ng barangay para mailapit ang mga ito sa Malacañang.

Matatandaang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na mas gusto niyang magtalaga na lamang ng barangay captains kaysa idaan pa ito sa eleksyon.


Bagaman, tuloy-tuloy ang preparasyon ng Commission on Elections para sa SK at Barangay Election, sinabi ni Densing na kailangan maging handa ang lahat sakaling ipagpaliban muli ito.

Facebook Comments