Mga nag-aaply ng Driver’s License, isasailalim sa matinding pagsusulit

Manila, Philippines – Isasailalim na sa matinding pagsusulit ang mga nag-aaply ng Driver’s License upang matiyak na magiging kwalipikadong humawak ng manibela at magmaneho ang mga ito.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, isang Modification natest ang kanilang isasagawa upang maging mas malinaw ang mga questionnaire parasa mga aplikante  at isa sa mga itatanongay kung anong partikular na sasakyan ang imamaneho at ibabatay na rin angexamination sa klase ng sasakyan.
Paliwanag ni Galvante, noong isang taon, umabot umano sa mahigit lima punto walong milyong lisensya ang inisyu ng LTO at 2.3 million ay Professional habang 1.6 million ang Non-Professional.
Kasabay nitoy posibleng ipag-utos na rin ng LTO sa mga Driving School na kumuha lamang ng mga Instructor na may Certification ng Technical Education and Skills Development Authority upang matiyak na ligtas may kalidad ang ituturo.

Facebook Comments