MGA NAG-AAPPLY PARA MAIDEKLARANG DRUG CLEARED SA PANGASINAN, MARAMI, AYON SA PDEA

Inihayag ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA Pangasinan na maraming barangay ang nag-aapply para maideklarang ‘Drug Cleared’ ang mga status nito.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Richie Camacho, may mga nakapag-apply na aniya ngayon na nakatakdang pag-usapan ng Regional Oversight Committee.
Dumadaan sa butas ng karayom aniya ang mga barangay at mas lalo na ang mga munisipyo upang ideklara ng ‘Drug Cleared.’

May mga pagkakataon pa ayon sa opisyal na idineklarang Drug Cleared na ang isang lugar pero binabawi sa tuwing namomonitor na may mga presensya ulit ng illegal drugs.
Nitong Miyerkules ay siyam na barangay at isang munisipyo ang idineklarang Drug Cleared ng PDEA Regional Office 1. |ifmnews 
Facebook Comments