Mahigit 10,000 na ang mga aplikante para maging contact tracers sa NCR Plus sa gitna ng paglaban sa COVID-19.
Ang bilang ng mga aplikante ay batay sa datos ng Bureau of Workers with Special Concerns.
Kasabay nito, inihayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na naglaan ng 65 million pesos ang kagawaran para sa contact tracing ng mga lokal na gobyerno sa NCR Plus.
Ang dagdag pondo ay sa ilalim ng programang TUPAD o Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na isang cash-for-work program bilang tulong sa mga manggagawa sa informal sektor na naapektuhan ng pandemya.
Sa ngayon umaabot na sa 295 million pesos ang pondo para sa kukunin na halos 6,000 contact tracers.
Facebook Comments