Cordillera Administrative Region – Nakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga evacuees mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) na una nang lumikas bunsod ng nagdaang bagyong Jolina.
Sa pinakahuling ulat mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), naisara na rin maging ang mga evacuation areas na binuksan para pansamantalang tuluyan ng mga naapektuhan ng bagyong Jolina tulad ng Borikibok sa Bucay, Abra, Lenneng Elementary School sa Lucian-Baay, Abra; Baquero Elementary School sa Lucian- Baay; Kibungan Municipal Hall sa Kibungan, Benguet; Liwan-East Brgy Hall sa Rizal, Kalinga; at Balaoa Day Care Center sa Tadian, Mt. Province.
Tinatayang nasa 549 pamilya mula sa 30 barangay sa region 2, 3 at Cordillera Administrative Region, ang naapektuhan ng bagyong Jolina.