Mga nag-iingay sa ban ng tricycle sa National Highway, gusto lamang magpapogi ayon sa LTOP

Nagpapapogi lamang umano ang ilang grupo na nag-iingay sa isyu ng pagbabawal sa mga tricycle sa mga National Highway sa bansa.

Ayon Kay Liga ng Transportation at Operators (LTOP) President Ka Lando Marquez, ginagawang kumplikado ng ilang grupo ang Memorandum Circular (MC) ng Department of Local Government (DILG).

Aniya, 1960s pa nang nilikha ang MC na bunga ng mabusising kasunduan sa pagitan ng DILG at noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC).


Nakasaad dito na maaring bumaybay sa National Highway ang mga tricycle sa kondisyon na nasa linya sila ng service road.

Ang nangyari kasi ay ginagamit nila ang mismong gitna ng kalsada.

Ani Marquez, kung walang alternate route ang mga Local Government Unit (LGU), dapat ay mag- upgrade patungong Class 1 o four-wheel drive ang mga pampasadang tricycle.

Trabaho din aniya ng LGU na kontrolin ang tricycle industry dahil sila ang nagkakaloob ng prangkisa sa mga ito.

Aniya, nag iingay ang ilang grupo bilang paghahanda sa pagpasok sa pulitika at nagpapagamit naman ang ilang transport group.

Facebook Comments