Mga nag-iinuman at tambay sa kalsada, pinapahuli ni Pangulong Duterte sa PNP

Manila, Philippines – Pinatututukang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang panghuhuli sa mga nagiinuman at nakatambay sa kalsada.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakalilikha ng malaking abala ang mga nag-iinuman at mga nag-uumpukan sa kalsada.
Paliwanag pa ng Pangulo, peligro ang mga ito at nagiging dahilan ng pangamba ng mga tao lalo na sa mga naglalakad lamang sa kalye.
Kaya naman inutusan ng Pangulo ang mga pulis na arestuhin ang mga makikitang nagiinuman sa kalsada dahil gusto niya na maging panatag ang publiko sa paglalakad sa kalsada at hindi mangamba sa kanilang seguridad.

Facebook Comments