Mga nag-resign na PhilHealth officials, hindi pa rin lusot sa Wellmed scandal case – DOJ

127

Hindi pa rin lusot sa kaso ang mga nagbitiw na opisyal ng PhilHealth.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mahaharap pa rin sa kasong kriminal ang PhilHealth officials kaugnay ng ‘ghost’ dialysis claims scam.


Kahapon, inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong estafa through falsification of public documents laban kay Wellmed co-owner Dr. Bryan Sy at sa dalawang iba pang opisyal ng dialysis center.

Nakatakdang isampa sa Quezon City Regional Trial Court ang 17 counts ng reklamo laban sa Wellmed officials.

Inirekomenda naman ang pagsasailalim sa preliminary imvestigation sa pitong iba pang at large na mga opisyal ng dialysis center.

Facebook Comments

From Advertisers