Manila, Philippines – Ibinida ng Malacañang ang mga nagawa ng administrasyong Duterte nitong 2018.
Base sa year-end report ng Palasyo, ipinagmamalaki ang pagkakabalik ng Balangiga bells sa bansa matapos ang higit isang siglo.
Kasama na rin ang rehabilitasyon ng Boracay at NAIA.
Binanggit din ang pagdedeklara ng Philippine rise bilang marine resource reserve.
Paglalagda ng Pilipinas at Kuwait sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa kapakanan ng mga OFW.
Kabilang rin ang regularisasyon ng higit 400,000 manggagawa dahil sa anti-ENDO campaign.
Dagdag pa ng Palasyo, nalagdaan din nitong 2018 ang ilang mahahalagang batas tulad ng free irrigation, free tuition sa state universities and colleges at national mental health policy.
Facebook Comments