Mga nagawa ni PBBM sa loob ng 100 araw ng panunungkulan, kinilala ng mga kaalyado sa Senado

Kinilala ng mga kaalyadong senador ang mga nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.

Para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nagbubulag-bulagan ang mga nagsasabing wala pang nagagawa ang presidente.

Tinukoy ni Zubiri ang halos araw-araw na meeting ng pangulo kasama ang mga opisyal ng pamahalaan, ang pagkuha ng mahuhusay na miyembro ng gabinete, pagkakaroon ng outstanding economic team at state visits nito sa Indonesia, Singapore, at Estados Unidos para makapagimbita ng mga mamumuhunan sa bansa.


Tinukoy naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang matapang na pag-uumpisa ng pangulo sa rightsizing sa pamahalaan at pagbuo ng mahusay na economic team.

Bahagi ng mga unang utos ng pangulo ay buwagin ang mga opisina at ahensyang may duplicated at overlapping functions tulad ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), Office of the Cabinet Secretary, at ang reorganization ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Hindi rin umano pinalagpas ng pangulo ang mga isyu sa Department of Agriculture (DA) lalo na noong hayaan nitong gumulong ang imbestigasyon sa kontrobersyal na sugar importation.

Ganito rin ang sinabi ni Senator Robin Padilla kung saan binanggit din nito ang mahusay na economic team, pag-iimbita ng foreign investors, at pagtugon sa pagkain at agrikultura.

Umaasa si Padilla na hanggang sa matapos ang 2,092 days ni PBBM ay mapanatili ang magandang tungkulin nito sa bansa.

Facebook Comments