Mga nagbabanta umanong miyembro ng Kuratong Baleleng, hinamon ni General Bato na ilabas ang tapang nila

Manila, Philippines – Hinamon ni Philippine National Police Chief Dir. General Ronald Dela Rosa ang mga miyembro ng Kuratong Baleleng Gang na ipakita ang kanilang tapang.

Kasunod na rin ito ng report na nagbabalak maghiganti ang grupo sa pagkakapatay kay Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Sinabihan pa ni Dela Rosa si Ozamiz Chief of Police Jovie Espinido na maglakad ng walang bodyguards sa Ozamis para ipakita na hindi natatakot ang PNP sa mga umanoy miyembro ng private army ng mga Parojinog.


Facebook Comments