Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni Cauayan City Mayor Bernard M. Dy na nadagdagan pa ang bilang ng mga nagbalik ng perang natanggap mula sa SAP.
Ayon kay Mayor Dy, ito yung mga nagkusang nagbalik ng perang natanggap. Matatandaang umani ng samut saring reaksyon at reklamo sa sistema ng pagtukoy sa mga benesaryo ng SAP. Ito rin ang dahilan ng pagkakatatag ng Sumbungan Center dito sa lungsod ng Cauayan.
Sa sumbungan Center, 24/7 na tinatanggap ang lahat ng reklamo may kaugnayan sa distribusyon ng naturang pondo. Ilan sa mga naging sumbong ng mamayana ay ang palakasan sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepesaryo. May mga paratang na may kaya sa buhay ang ilan sa mga kasali sa listahan at ilan sa kanila ay kamag anak o kaibigan ng mga opisyal sa barangay kung hindi man ay malapit sa mga ito.
Dahil dito, may mga nagkusa nang magbalik ng 5,500 pisong tinanggap na ayuda. Pahayag pa ni Mayor Dy na sa ang City Treasurer’s office ang tumatanggap sa mga ibinalik na pera at dokumentatdo ang mga ito. Tiniyak pa ng punong lungsod na mapupunta sa mga karapat dapat na mamamayan ang naturang mga pera.
Sa ngayon ay nagsinula nang lumarga ang verification team sa mga barangay na may reklamo. Ang verification team ay binubuo ng mga guro at ilang opisyal ng LGU.