Mga nagbebenta ng alak sa Maynila sa harap ng pinaiiral na liquor ban, binalaan ni Mayor Isko Moreno

Nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno na kakanselahin niya ang business permit ng mga tindahan na patuloy na nagbebenta ng alak sa harap ng pinaiiral na liquor ban.

Ang babala ni Moreno ay kasunod ng mga natatanggap na report ng mga otoridad hinggil sa pag-iinom ng alak ng ilang mga residente ng Maynila sa kabila ng mahigpit na pinaiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Kaugnay nito, pinakilos na rin ng alkalde ang mga opisyal ng Barangay para hulihin ang mga residenteng lumalabag sa Community Quarantine.


Ang hindi pagsunod ng mga residente sa quarantine at social distancing ang itinuturong dahilan ng pagtaas ng bilang ng COVID Patients sa Maynila.

Una nang nakabangga ng isang lalaking nagdedeliver ng pagkain sa frontliners sa Lungsod ang isang lasing at pinagmumura pa nito ang biktima.

Facebook Comments