Mga nagbebenta ng COVID-19 vaccines, tutugisin ng pamahalaan – Roque

Tiniyak ng Malacañang na magpapatupad ang pamahalaan ng “all-out” na kampanya laban sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na wala sinuman ang dapat kumikita mula sa naghihirap na bansa.

Siniguro ni Roque na paparusahan ang mga taong nasa likod ng bentahang ito.


Habang iniimbestigahan ang sitwasyon, mas mabilis na matutunton kung nasaan ang mga bakuna sa pamamagitan ng kanilang batch numbers.

Apela ng Palasyo sa publiko na huwang samantalahin ang pandemya para kumita ng pera.

Facebook Comments