Mga nagbebenta ng lehitimong G-Cash account, binigyang babala ng PNP-ACG

Binalaan ni Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Director PBGen. Joel Doria ang mga lehitimong may-ari ng G-Cash account na huwag ibebenta ang mga ito sa ibang tao, dahil maaring magamit sa hindi magandang gawain.

Ito’y matapos na maaresto ng Eastern District Anti-Cybercrime Team ng PNP-ACG ang dalawang indibidwal na nagbebenta ng mga beripikadong G-Cash account sa Pasig City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jomel Sichon at Mark Ray Veroy.


Ayon kay Doria, unang inaresto sa entrapment operation si Sichon matapos magbenta sa mga secret agent ng 10 verified G-Cash account na nasa sim card sa halagang P800 bawat isa.

Inginuso naman ng suspek si Veroy bilang supplier ng SIM cards, na nahuli sa follow up-operation.

Ang mga ito ay sasampahan ng kaso kaugnay sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments