Mga nagbebenta ng pekeng vaccination cards, binigyang babala ng PNP

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na nagbebenta ng pekeng vaccination cards na sila ay mahaharap sa kaso at makukulong.

Ginawa ni PNP Chief General Dionardo Carlos, ang pahayag matapos na mahuli ang isang 20 anyos na suspek na si Sharlyn Abdul sa barangay Tankulan, Manolo Bukidnon.

Inireklamo ito ng isang concern citizen kaya agad isinagawa ng PNP ang operasyon dahilan nang pagkahuli ng suspek sa aktong pagbebenta ng pekeng vaccination cards.


Sinabi ng PNP chief hindi natatapos sa pag-aresto sa suspek ang kanilang aksyon sa insidente sa halip aalamin ng PNP kuang san ang printing area ng mga pekeng vaccination card na nagre-reproduce nito.

Sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law, ang sinumang mahuhuling namemeke ng vaccination cards ay magbabayad ng penalty na ₱20,000 hanggang ₱50,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.

Sa ngayon, pinaiiral ng Local Government Units (LGUs) ang “no vaccination card, no entry” policy sa mga establishment dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments