Nakikiisa si Senator Pia Cayetano sa mga umaapela sa Inter Agency Task Force (IATF) na gawing exempted ang mga nagbibisikleta sa mandatory o obligadong pagsusuot ng face shield.
Bilang isang siklista ay ipinaliwanag ni Cayetano na delikado na nakasuot ng face shield habang nagbibisekleta dahil apektado nito ang paningin o vision sa daanan at espasyo na posibleng magdulot ng aksidente.
Kasama rin sa pakiusap ni Cayetano na huwag ng pagsuotin ng face ang mga nagjo-jogging sa open spaces kung saan naipatutupad ang social distancing.
Ipinaliwanag ni Cayetano na mahalaga ang ehersisyo tulad ng jogging sa pagpapanatili nang maayos na mental at physical health at pwede itong gawin kahit walang face shield basta may social distancing.
Facebook Comments