Mga nagdaang hearing ng ICI, dapat ilahad din sa publiko

Iginiit nina Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno at Perci Cendaña na mailabas din sa publiko ang mga nagdaang pagdinig ng Independent Commission on Infrastructure o ICI ukol sa maanomalyang flood control projects.

Panawagan ito nina Diokno at Cendaña makaraang magpasya ang ICI na i-livestream na ang mga proceeding nito simula sa susunod na linggo.

kabilang sa mga ipinatawag sa mga naunang hearing ng ICI ay sina Senators Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, dating House Speaker Martin Romualdez habang inimbitahan din sina Senate President Tito Sotto at Senator Panfilo Lacson.

Katwiran ni Diokno, karapatan ng publiko na malaman ang nangyayari sa mga naunang pagdinig dahil taumbayan ang direktang mga biktima ng napakaraming katiwalian sa flood control projects.

Diin naman ni Cendaña, dapat full transparency hindi pwedeng selective kaya mainam na maipabatid din sa publiko ang nangyari mga nagdaang hearings.

Umaasa naman sina Diokno at Cendana na may kakahantungan ang imbestigasyon ng ICI upang mapanagot ang mga nagnakaw sa buwis ng mamamayan na dapat din maisauli.

Facebook Comments