Mga nagdaang lindol naging basehan para sa development ng shake drill ngayong araw

48

Nagsilbing aral ang mga nagdaang lindol para mas mapaghusay pa ng gobyerbo  ang paghahanda sa malalakas na lindol.

Kung maaalala nito lamang may mga namatay sa lindol sa Zambales hanggang sa Pampanga, maraming nasirang inprastraktura sa lindol sa batanes at marami din ang namatay sa lindol sa Cotabato.


Ayon kay PHIVOLCS Director  Renato Solidum, kabilang sa nais mapagbuti ang kasiguraduhan na matatag ang pagkakagawa sa mga bahay at gusali.

Kasabay nito hinimok ang publiko na gumawa ng paraan para at hindi aasahan sa tulong ng iba.

Malaki kasi aniya ang tsansa na  biktima din ang mga inaasahang tumutulong.

Samantala, mabilis na pagbalik sa supply ng kuryente sa hospital at command post ang isa pa sa pinaghusay ngayong earthquake drill.

Facebook Comments

From Advertisers