Mga Nagfile ng COC sa COMELEC Cauayan City, Matumal Pa rin!

*Cauayan City, Isabela- *Matumal pa rin sa ngayon ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ng Cauayan City sa mga nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nasa tatlong independent palang sa ngayon ang nagfile ng COC para sa posisyong Konsehal na sina ginoong Felix Ancheta, ginoong Jay-jay Talavera at Gabriel Talavera at si Diosdado Ramirez para sa posisyong bise-mayor.

Kaugnay nito ay tikom pa sa ngayon si Bill Dy kung kailan ito magfa-file ng kanyang COC para sa posisyong Mayor matapos nitong samahan kaninang umaga sa COMELEC si Diosdado Ramirez bilang kanyang bise-mayor.


Samantala, Patuloy pa rin hanggang bukas ang pagtanggap ng COMELEC sa mga kandidato na magfa-file ng kanilang COC para sa halalan 2019.

Facebook Comments