Umabot na sa 31 mga aspirants para sa national elective positions ang naghain ng Certificates of Candidacy (COC) kahapon para sa 2022 election.
Kahapon ang ikaapat na araw ng paghahain ng COC at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Batay sa datos, 12 presidential candidates kabilang si Manila Mayor Isko Moreno, 3 vice presidential candidates kabilang si Dr. Willie Ong na running mate ni Mayor Isko, at 16 senatorial candidates ang naghain ng COC.
Mayroon namang 10 party-list nominees ang naghain ng kanilang CONA.
Sa ngayon, simula October 1 ay nasa 20 na ang bilang ng mga COC na natanggap ng Comelec sa pagkapangulo; 7 sa pagkapangalawang pangulo; 39 sa pagkasenador at 48 sa party-list nominees.
Facebook Comments