Dahil sa maulan na panahon ay matumal ang mga nagtungo ngayon para maghain ng Certificate of Candidacy para sa 2022 elections.
Ngayon ang ikaapat na araw ng filing ng coc na ginaganap sa harbor garden tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City pero iilan pa lamang ang naghain ng kanilang kandidatura.
Buwena manong naghain ng COC para sa pagkapangulo ang isang Sonny Boy Andrade at sinundan nina Juanita Trocenio, Gabriela Larot, Alfredo Respuesto at Faisal Mangondato.
Para naman sa Vice President, unang naghain ng COC ang isang Carlos Serapio.
Habang nagsumite ng COC sa pagka-senador si Narciso Solis bilang isang independent candidate.
Samantala, ang mga naghain naman ng Certificate of Nomination and Acceptance sa COMELEC bilang party-list hanggang ngayong tanghali:
Koalisyon ng Indigenous People, Marvelous Tayo, Alagaan ang Sambayanang Pilipino at GABRIELA.