MGA NAGHAIN NG COC PARA SA BSKE 2023 SA ASINGAN, UMABOT SA HIGIT TATLONG DAAN SA UNANG ARAW NITO

Naaa higit tatlong daan o 323 na indibidwal ang nagfile ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at SK Election sa bayan ng Asingan.
Nasa dalawamput siyam ang tatakbo sa Punong Barangay habang ang nasa isang daan at walumput apat ay tatakbo sa pagka- Barangay Kagawad.
Sa SK Elections naman, nada labing siyam na ang nagfile sa para maging kandidato bilang Sangguniang Kabataan Chairman at nasa siyamnaput isa naman ang sa Sangguniang Kabataan Kagawad.

Bagamat dumagsa ang mga naghain ng kanilang COC ay maayos namab umanong naisagawa ang unang araw ng filing sa bayan.
Inaasahan naman ng COMELEC na dadagsa pa ang magfafile ng kanilang COC sa huling araw ng filing kaya nagpapaalala ang ahensya na huwag ng hihintayin oa ang huling araw para iwas sa aberya. |ifmnews
Facebook Comments