Mga naghain ng COCs sa unang araw, pawang mga partylist representative

Pawang mga partylist ang siyang nanguna ngayon sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidancy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC).

Ilan sa kanila ay ang AGAP Partylist na nirepresenta nina dating Cong. Nick Briones at Quezon City Councilor Lala Sotto na anak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kakandidato naman sa pagkabise presidente.

Bukod dito, naghain na rin ang Kabayan Partylist na pinangunahan ni Rep. Ron Salo An-waray, Diwa Partylist, Pilipinas para sa Pinoy, Toda Partylist, Alona Partylist, Democratic Worker Association Partylist, People’s Volunteer for Against Illegal Drug at Cancer Partylist.


Naghain naman para tumakbo sa pagkapangulo ang doktor at abogado na si Jose Montemayor, dating miyembro ng Navy SEAL na si Leysander Ordenas, Dave Aguila na kung saan kapwa sila independent presidential candidate.

Matatandaan na nanguna naman sa paghahain ng kaniyang COC para kumandidato sa pagkapangulo ng bansa si Sen. Manny Pacquiao kasama si Buhay Rep. Lito Atienza na kaniyang bise presidente.

Mga naghain naman ng kanilang COC sa pagka-senador ay sina dating Pagsanjan, Laguna Mayor Abner Afuang, Sorsogon Governor Chiz Escudero sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si George Garcia, dating Eastern Samar Governor, Lutgardo Barbo, Antique Rep. Loren Legarda, Bay Maylanie Esmael at Norman Marquez.

Muli naman sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na dadaan sa pagsasala ang bawat kandidato na naghain ng kani-kanilang COCs upang matukoy kung sino-sino sa kanila ang maituturing na nuisance candidate.

Facebook Comments