Mga naghain ng kandidatura sa BSKE 2023, nasa halos isang milyon na!

Umabot na sa halos isang milyon ang nakapaghain ng Certificates of Candidacy o COCs para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023.

Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), nasa 944,325 na ang nagsumite ng kandidatura para sa BSKE sa October 30, 2023.

Sa naturang bilang, 622,952 ay lalake at 321,373 naman ay babae.


Nasa ng 70,925 na ang nagsumiteng kakandidato para sa barangay chairman at 518,383 ang naghain ng COCs bilang barangay kagawad.

Sa SK chairman, umabot na sa 58,914 ang nakapag-file na ng kandidatura habang 296,103 ang sa SK kagawad.

Ngayong araw, September 1, ay itinigil muna ng Comelec ang filing ng COC sa NCR at ilang lalawigan dahil sa masamang panahon, ngunit ipagpapatuloy ito bukas September 2 hanggang sa Lunes, September 4.

Facebook Comments