Mga naghain ng petition for disqualification, kanselasyon ng COC sa BSKE, umabot na sa mahigit 65

Umabot na sa mahigit 65 ang naihaing mga petisyon para sa disqualification at kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) hanggang kahapon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco na inaasahan nilang tataas pa ang bilang na ito.

Ayon kay Laudiangco, mayroon pa kasing limang araw para masampahan ng petisyon ang mga nag-file ng COCs nito lamang Lunes.


Sa kasalukuyan, ay wala pa namang naitala ang COMELEC na pinadedeklarang nuisance candidate para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Samantala, magpapadala naman ang COMELEC ng show cause order sa mga kandidatong naglabas ng illegal campaign materials.

Batay aniya sa notice, kailangang matanggal ang nasabing campaign materials sa loob ng tatlong araw at kung hindi ay kakasuhan sila ng paglabag sa premature campaigning.

Facebook Comments