Mga naghain ng SOCE matapos ang 2025 Midterm Elections, wala pang kalahati —Comelec

Halos isang buwan matapos ang 2025 Midterm Elections, wala pa sa kalahati ang mga kandidato at party-list groups na naghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, as of 1:35pm ay nasa pitong kumandidatong Senador lang ang naghain ng kanilang SOCE mula sa 66 na tumakbo nitong halalan.

Ito ay sina:
1. Atty. Victor D. Rodriguez
2. Norberto B. Gonzales
3. Willie Ong
4. Teacher France Castro
5. Vicente C. Sotto III
6. Atty. Angelo De Alisan
7. Ronaldo Jerome Adonis

Mula naman sa 155 na kalahok nitong halalan, nasa siyam na Party-list groups pa lang ang naghain ngayon ng kanilang SOCE sa poll body.

Samantala, tanging ang AKAY at PDSP pa lamang ang nakapagbigay ng SOCE para sa mga partido.

Una nang sinabi ng Comelec na hindi na palalawigin pa ang deadline ng paghahain ng SOCE sa June 11.

Facebook Comments