Mga naging adhikain ng EDSA People Power Revolution, dapat manatili ayon sa Caritas Manila

Para sa mga alagad ng simbahan na nakibahagi sa EDSA People Power Revolution, maituturing na himala ang naganap na pagkilos sa Pilipinas, tatlumpu’t limang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Rev. Fr. Anton Pascual, Exec. Director ng Caritas Manila, nasaksihan niya ang mapayapang pagtatapos ng diktadura sa bansa na nakamit ng mga Pilipino.

Nangyari aniya ito hindi sa pamamagitan ng dahas kundi sa pamamagitan ng pagkakaisa at paninindigan laban sa rehimeng Marcos.


Binigyang-diin din ni Fr. Pascual na mahalagang maipagpatuloy ang adhikain ng EDSA People Power Revolution na pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments