Umabot na sa ₱427 billion ang foreign investment pledges ang naitala ng gobyerno kaugnay ng mga naging biyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na mas mataas ito ng 4,150 percent.
Karamihan aniya sa mga investment pledge na nakuha ng pangulo mula sa mga naging foreign trips nito ay may kinalaman renewable energy at karamihan ay galing ng Europa.
Mabusisi aniya ang pangulo sa bunga ng ginagawa nilang panghihimok sa mga dayuhang negosyante sa tuwing lumalabas ng bansa at regular na humihingi ito ng update.
Hindi naman aniya nabigo ang presidente sa naging resulta ng panghihikayat nito sa mga dayuhang mamumuhunan dahil nagbunga ito ng actual investment registrations and approvals.