Mga nagjo-joging sa CCP Complex sa Pasay City, pinauwi dahil sa paglabag sa health protocols

Hinarang at hindi pinapasok ng mga pulis sa bahagi ng CCP Complex sa Pasay City ang mga najo-jogging kaninang umaga.

Kasabay kasi ng pagdami ng mga tao sa bahagi ng Vicente Sotto Street ay kapansin-pansing hindi nasusunod ang mga health protocols laban sa COVID-19.

Ayon sa Pasay City Police, karamihan sa kanilang pinauwi ay hindi naman nagjo-jogging o nag-e-exercise kundi nakatambay lamang.


Dahil hindi na nasusunod ang social distancing at ang iba ay walang suot na facemask at face shield, napagdesisyunan ng Pasay PNP na pauwiin na lamang ang mga ito.

Pero nilinaw ng Pasay PNP na hindi naka-lockdown ang Vicente Sotto Street.

Ang pinadaraan lamang nila sa lugar ay ang mga Authorized Person Outside Residents (APOR).

Facebook Comments