Mga nagka-aberyang VCMs, umabot na sa 143

Umabot na sa 143 ang bilang ng mga Vote Counting Machines (VCMs) na nag-ka-aberya hanggang kaninang tanghali, ngayong araw ng halalan.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo, nasa pito ang beripikadong VCM na nagkaproblema sa higit 800 reklamo na natanggap ng COMELEC ngayong araw.

Dagdag pa ni Casquejo, napalitan din ang mga ito mula sa 1,900 na reserbang VCMs.


Nabatid na karamihan sa mga VCM ay nagkaproblema sa proseso ng scanning, dahil bukod sa luma at refurbished,ay mayroon pang ibang problema sa performance ng mga ito mula ng isailalim sa final testing at sealing tulad ng posibleng pagkabasa dahil sa pag-ulan o sa problema sa balota nang isubo ito sa makina.

Dahil dito ay igigiit ng COMELEC na palitan na ang mga lumang VCM sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments