Tuesday, March 3, 2026

Mga nagkakasakit ng hypertension, pabata na ayon sa ilsng health expert

Pabata na ng pabata ang mga tinamaan ng sakit na hypertension sa bansa.

Ito ang sinabi ng cardiologist na si Dr. Crystal Hopen Guanzon dahil sa lifestyle ng mga Filipino.

Karamihan sa mga hypertension ay umaasa sa food supplement at hindi na sa mga maintenance na gamot kung saan delikado ang hakbang na ito dahil mas malala ang epekto sa kalusugan.

Ayon kay Guanzon, walang therapuetic claims ang mga food supplement dahil kung hindi man kaunti ay walang pag-aaral.

Base sa datos ng World Health Organization (WHO), patuloy na tumataas ang kaso ng hypertension sa Pilipinas na may edad na 30 hanggang 79 anyos sa nakalipas na mga dekada-mula sa mas mababa na 10 milyon na kaso noong 2000, umabot na ito sa 16.8 milyon noong 2024.

Sa naturang bilang, 16.8 milyon na may mataas na presyon ng dugo noong 2024, 19 porsyento lamang ang may kontrolado sa kanilang kondisyon.

Sinabi ni Guanzon, may mga pasyente siya na may hypertension na nag-eedad ng 20 anyos lamang kung saan ilan sa mga batang pasyente ay nagtatrabaho sa call center agents na karamihan sa kanila ay naninigrailyo, umiinom ng alak, kape, at iba pa.

Kabilang naman sa mga nagpapataas ng blood pressure ang obesity o labis na katabaan at kakulangan sa pisikal na aktibidad.

Facebook Comments