Mga naglalabang grupo sa Matalam North Cotabato, muling inayos!

Pinulong kahapon ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco ang magkalabang mga pamilya sa Matalam, North Cotabato at matagumpay na nakumbinse ang bawat panig na idaan magkasundo at lumagda sa kasunduang pangkapayapaan.
Ang paglagda sa peace covenant ay sinyales ng pagtatapos ng sagupaan ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamumuno ni Datu Dima Ambel at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ni Naig Naga.
Sinabi ni Gov. Catamco sa mga ito na ang kapayapaan ay pinipili, kung ang lahat ay mas pipiliin ang kapayapaan, dapat ay matutong palipasin ang galit, sakit at paghigignati.
Naging host si 602nd Commander, BGen Roberto Capulong sa naturang peace dialogue kung saan hiniling nito sa magkalabang grupo na magkasundo na lamang.
Nagkasundo naman ang bawat panig na itigil na ang palitan ng putok at tumalima sa mga napagkasunduan na nilagdaan.
Nakasaad sa peace pact na kailangang manatili sa kani-kanilang lugar ang mga sangkot, iwasan ang mga provocative statement, pagpapakita ng mga baril.
Matatandaang matagal ng nagsimula ang hiwaan ng mga involved na mga grupo ngunit matagal na ring naayos , muli itong sumiklab matapos tambangan at masawi ang anak ni Dima Ambel na si Norodin.(Daisy Mangod)
PGO North Cot Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments