Mga naglipanang habal-habal, binalaan ng LTFRB!

Binalaan ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade ang mga naglipanang habal-habal.

Ayon kay Tugade, walang batas pa na nagpapahintulot sa operasyon ng habal-habal.

Tiniyak ni Tugade na kakasuhan ang mga kolorum sakaling mahuling nag-aalok ng sakay sa mga pasahero.


Nauna na ring pinaalalahanan ng LTO ang mga kasapi sa motorcycle taxi pilot study program na iwasan ang manigil ng mataas na pasahe sa kanilang mga mananakay.

Ang aksyon ng LTO ay makaraang makatanggap ng mga reklamo ang ahensya mula sa mga commuter hinggil sa mga motorcycle rider na naniningil ng labis na singil kahit sa maikling distansya.

Facebook Comments