Vice Ganda, inaming nasasaktan sa ilang kritisismo sa kaniya

Image from ABS-CBN Entertainment

Kahit madalas daw batikusin sa social media, naniniwala si Vice Ganda na mas matimbang pa din ang pagmamahal sa kaniya ng madlang pipol.

Sa series ng Twitter post ng TV host-comedian, sinabi niyang kada araw siyang nakatatanggap ng kritisismo mula sa bashers at aminadong nasasaktan na din.

Pero sa kabila ng nararanasan, nagpapakatatag at nananatiling positibo pa rin ang Kapamilya star.


“Sayang naman ang mga sinimulan ko at nakamit na tagumpay kung ngayon pako susuko,” ani Vice.

Dagdag ng ‘Unkabogable Star’, mas maraming may gusto sa kaniya kumpara sa may ayaw at mas mahalaga daw yun.

Ayon sa komedyante, tuloy pa rin ang pagpapatawa niya para sa mga tagahanga lalo na sa mga taong umaasang sasaya ulit sa tulong.

Palagi rin umanong nagdadasal si Vice Ganda na bigyan pa ng lakas para magpatuloy sa buhay.

“Mahirap pero masaya pa rin naman ang buhay. Kaya kung kaya ko kaya mo din. Dasal. Laban. Dasal. Laban. Yan lng ang routine. Pag sumuko tayo di mo makikita ung magandang nagaantay satin,” payo ng celebrity sa publiko.

Facebook Comments