Mga nagnegatibo sa COVID-19 sa Cagayan Valley, Pumalo na sa 20

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa dalawampu (20) ang bilang ng mga pasyenteng nagnegatibo sa corona virus o covid-19 sa buong Cagayan Valley.

Ayon sa pahayag ni OIC Director Dr. Leticia Cabrera ng DOH Region 2, huling nagnegatibo sina PH 2313 mula sa Solano, Nueva Vizcaya at PH662 na dating kongresista ng unang distrito ng Cagayan na si Don Ramon Nolasco mula sa Gattaran, Cagayan.

Dagdag pa ng opisyal na makakalabas na ngayong araw sa ospital si PH838 na isang buntis mula sa Bayan ng Alicia matapos magnegatibo ang kanyang resulta.


Samantala,kinumpirma din ni Dr. Cabrera na kasalukuyang nasa Santiago Medical City si PH4200 na isang health worker na nagpositibo sa covid-19 mula sa San Agustin, Isabela.

Sa ngayon ay dalawa nalang ang nananatiling positibo sa sakit na nasa Cagayan Valley Medical Center.

Facebook Comments