Manila, Philippines – Babantayan na rin ng Commission on Election (Comelec) ang mga nagpapakalat ng fake news na sumisira sa integridad ng eleksyon.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ilan sa nakarating sa kanilang maling impomasyon na ipinapakalat ay kasama umano sa payroll ng mga politiko ang mga opisyal at commissioner ng ahensya.
Mayroon rin aniyang nagsasabing mamanipulahin nila ang halalan.
Giit ni Jimenez, makikipag-ugnayan sila sa mga law enforcement agency para mapanagot ang mga magpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa halalan.
Gayunman, aminado si Jimenez na mahirap habulin ang mga nagpapakalat ng fake news online.
Ang mga mapapatunayang magpapakalat ng fake news ay mahaharap sa anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong, habang buhay na diskwalipikasyon sa mga public office at pag-alis sa karapatang nitong makaboto.