
Posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang indibidwal na nagpapakalat ng malisyosong mga impormasyon sa social media.
Ito’y kasunod ng mga kumakalat online na paratang laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa grupong Liga Independencia, ang mga alegasyon ay pawang kasinungalingan at paninirang-puri.
Wala rin anumang ebidensya ang mga inilabas sa interview na may kinalaman sa droga, diumano’y sekswal na gawain, at sinasabing sensitibong larawan ni Liza Marcos.
Bukod pa rito wala rin umanong dokumento, forensic findings, sinumpaang salaysay, o kasong inihain sa alinmang korte.
Matatandaang nagmula ang isyu sa isang online interview na paulit-ulit na ikinalat sa social media.
Facebook Comments










