Mga nagpapakalat ng fake reports ng krimen, tinutukoy na ng PNP Anti-Cybercrime Group

Tini-trace na ng Philippine National Police (PNP) Anti-cybercrime group kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga maling report tungkol sa krimen sa Metro Manila.

Siniguro ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa makaraang kumalat sa social media ang mga report tungkol sa umano ay panloloob ng bahay sa McKinley Hill, Taguig City at Binondo, Manila; at kaguluhan sa San Andres Manila.

Binigyang diin ni Gamboa na ang mga report na ito ay walang katotohanan, at sa katunayan ay wala pang beripikadong ulat ng krimen sa Metro Manila at mga kalapit na lugar na natanggap ang PNP sa nakalipas na 5 araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Binantaan ni Gamboa ang mga nagkakalat ng fake news na mahaharap sila sa mabigat na parusa sa pagkakalat ng maling impormasyon sa panahon na umiiral ang isang national emergency.

Nakiusap naman si Gamboa sa publiiko na iwasan ang pag-share ng hindi beripikadong impormasyon para hindi makalikha ng pangamba at at takot sa publiko.

Facebook Comments