Mga nagpapakilala na kayang magmanipula sa resulta ng eleksyon, dapat harapin ng COMELEC

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, dapat harapin ng Commission on Election (COMELEC) ang hamon kaugnay sa mga napapabalita na may nagpapakilala sa mga pulitiko na konektado sa COMELEC at nagsasabing kaya nilang imanipula ang resulta ng eleksyon.

Ayon kay Lacson, nagkaroon ng impresyon na namamanipula ang election system simula ng naging automated ang halalan.

Binanggit ni Lacson na ang tinatawag na “meet me room” na inilagay sa nakalipas na 2 o tatlong national elections ay nagdulot ng pagdududa sa integridad ng automated elections.


Kaugnay, iginiit ni Lacson na dapat tiyakin ng COMELEC ang ganap na transparency sa eleksyon para mapawi ang mga pangamba at pagdududa.

Facebook Comments