Mga nagpapanggap na kinatawan ng ICI para makapangikil sa mga kongresista, hindi kilala ng komisyon

Hindi umano kilala ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga nagpapanggap na kinatawan ng komisyon para mangikil sa ilang kongresista.

Ito’y kaugnay sa paglapit at pagpapakilalang kinatawan ng ICI para sa ilang kongresistang sabit sa flood control scandal.

Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes, may mga tao talagang maraming abilidad para makapangikil.

Pero aniya, walang bago rito dahil kahit saan naman ay may ganito nang kaso.

Nag-ugat ang pahayag ni Andres, matapos na pumutok ang nasabing isyu na tatanggalin ang kanilang pangalan mula sa report ng Independent Commission kapalit ng minimum na bayad na P100 miyon.

Facebook Comments