Mga Nagpapautang Na Nagpapatong Ng 20-Porsyentong Interes Kada Buwan O Tinatawag Na 5-6… Binalaang Aarestuhin At Ipapa

140

MANILA – Babala sa mga operator ng 5-6 o yung nagpapautang ng may interes na 20-porsyento kada buwan.Pwede kasi kayong arestuhin kahit walang warrant of arrest kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin at ipatapon ang mga dayuhan na sangkot sa operasyon ng 5-6.Paliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isang krimen ang ginagawa nilang pagpapautang dahil wala silang permit o lisensya.Sa ginanap na cabinet meeting, inutusan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na abisuhan ang indian ambassador kaugnay sa kanyang utos, lalo’t ang mga bumbay ang kadalasang nagsasagawa ng ganitong pautang.Bilang tugon naman para sa mga pangangailangan ng mga negosyanteng pinoy ay isusulong ng pamahalaan ang isang micro-lending program na paglalaanan ng isang bilyong pisong pondo kung saan ang Department of Trade and Industry ang mangunguna sa nasabing pautang.

Facebook Comments