Umabot na ng 34,025 ang mga nagparehistro na residente ng Lungsod ng San Juan sa online registration nito para sa COVID-19 vaccine.
Ito ay katumbas ng 39.84% mula sa kabuuang bilang na 85,000 indibiduwal ng lungsod na target bakunahan ng lokal na pamahaalan ng San Juan.
Sa 34,025 registrants, 30,569 nito ay mga non-health workers habang ang 3,456 ay mga health worker ng lungsod.
Batay sa datos ng City Health Department ng San Juan, ang age group na maraming nagparehistro ay mula 30 hanggang 50 years old, kung saan mayroon itong 11,740 registrants.
Hinikayat naman ni Mayor Francisco Zamora ang mga residente nito na pwedeng magpabakuna ng COVID-19 na magrehistro sa kanilang online registration kung saan makikita ang link sa official Facebook account ng pamahalaang lungsod.
Pwede rin aniya magpalista sa kanilang barangay o health center.